“Ang sangkatauhan ay isang komunidad, at ang mundo ay ating tanging tahanan. Walang tao o bansa ang dapat mabuhay ng hiwalay. Kailangan nating magkaisa, magtulungan at maharmonyang mabuhay, tungo sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan, at magkakasamang lumikha ng mas magandang hinaharap. ” --Xi Jinping
Alam ba niyo na sa karakter na orakulong buto na nilikha ng mga Tsino mahigit 3,000 taon na ang nakakaraan, ang salitang tao ay nagpapakita ng anyo sa tagiliran ng taong nakayuko at pakuyom na nakalapat ang dalawang palad sa harap ng dibdib bilang pagbibigay-galang.
Kung pagsasamahin ang dalawang salitang tao, ito’y nangangahulugan magkaagapay. Ang karakter na 众na binubuo ng tatlong tao sa ilalim ng araw ay kumakatawan sa maraming tao at sangkatauhan.
Ang salitang 众 sa sinaunang piktograpong karakter na Tsino ay nagpapahiwatig na mayroon lang iisang mundo ang sangkatauhan at nabubuhay sa ilalim ng sinag ng iisang araw. Parang isang higanteng bapor ang planetang mundo na may lulan na pitong bilyong tao mula sa mahigit 190 bansa. Saan patungo ang bapor na ito?
Ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan ay mungkahing inihain ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, batay sa kanyang masinsinang pagninilay hinggil sa kasaysayan at kasalukuyan,
Ang ideyang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan ay mula sa pilosopiyang Tsino na magkakapamilya ang sangkatauhan. Sinasalamin din ito ng mga kasabihang tulad ng“magkakaiba pero magkakatugma,”“ang harmonya ang pinakamahalaga,”“huwag gawin sa iba ang di nais gawin sa inyo,”“kung may kakayahan, tumulong sa kapuwa tao tungo sa mas mabuting buhay ng lahat.”
Masasabing may pinagbabahaginang tadhana ang komunidad ng daigdig. Magkakasamang nahaharap ang sangkatauhan sa mga hamong dulot ng seguridad ng pagkain, pagbabago ng klima, cyber attack, polusyon ng kapaligiran, pagkalat ng salot, at iba pa. Ang mga tao mula sa alinmang bansa, nakahanda o hindi, ay nabibilang sa komunidad ng tadhana na di mapaghihiwalay.
Kung ang mga bansa ay pantay na nakikitungo sa isa’t isa, marunong gumalang sa sibilisasyon ng isa’t isa, habang nagsisikap matamo ang sariling interes ay isinasalang-alang ang ikinababalisa ng iba, nagsasakatuparan ng sariling kaunlaran habang nagpapasulong ng komong kasaganaan, nagpapatupad ng magkakasamang pagtatatag, pagbabahagi at pangangasiwa sa mundo, saka lamang magiging katuparan ang sustenableng paglago ng daigdig kung saan sama-sama tayong namumuhay.
Sa kanyang talumpati sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, Oktubre 16, 2022, inulit ni Pangulong Xi ang kanyang taimtim na panawagan.
Aniya:“Kailangang sundin ng lahat ng mga bansa ang komong pagpapahalaga ng sangkatauhan na kinabibilangan ng kapayapaan, kaunlaran, katwiran, katarungan, demokrasya, at kalayaan para mapasulong ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan, at pagkakapit-bisig tungo sa paglikha ng mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan.”
Kung sama-sama tayo sa kagipitan at pagsasabalikat ng responsibilidad, walang patid na pasusulungin ang komong kapakanan ng lahat, saka lamang kakayaning layagin ng bapor ng sangkatauhan ang mga hangin at alon at tuloy tuloy na tumulak sa hinaharap.
Ito ang buod ng ideya ni Xi, na pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Mac/Rhio
Patnugot sa website: Jade
Patnugot sa video: Vera
Mga Salawikaing Klasiko sa Makabagong Panahon:Inobatibong bansa
Mga Salawikaing Kalasiko sa Makabagong Panahon: Pagbubukas at komong kaunlaran
Mga Salawikaing Klasiko sa Makabagong Panahon:May harmonyang pakikipamuhayan ng tao at kalikasan
Mga Salawikaing Kalasiko sa Makabagong Panahon: Komong Kasaganaan
Mga Salawikaing Klasiko sa Makabagong Panahon: Pandaigdig na Kaligtasan