Tsina at Iran, sinimulan ang pagpapatupad ng plano sa komprehensibong kooperasyon

2022-01-15 16:00:48  CMG
Share with:

Tsina at Iran, sinimulan ang pagpapatupad ng plano sa komprehensibong kooperasyon_fororder_7ef4de201c9b4b2480e5e1b1d4c2ee46

 

Nagtagpo kahapon, Enero 14, 2022, sa Wuxi, lunsod sa silangan ng Tsina, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Hossein Amir Abdollahian, Ministrong Panlabas ng Iran.

 

Ipinatalastas ng dalawang opisyal ang pagsisimula ng pagpapatupad ng plano sa komprehensibong kooperasyon ng Tsina at Iran.

 

Batay sa planong ito, palalawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa maraming aspektong sumasaklaw sa enerhiya, imprastruktura, kapasidad sa produksyon, siyensiya't teknolohiya, serbisyong medikal, agrikultura, pangingisda, cybersecurity, edukasyon, paggawa ng pelikula, pagsasanay ng mga tauhan, pagpapalitan ng mga mamamayan, at iba pa.

 

Ipinahayag ng dalawang opisyal, na ang pagpapatupad ng plano ay magpapataas ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Tsina at Iran sa bagong lebel.

 

Sinang-ayunan din nilang pananatilihin ng dalawang bansa ang pag-uugnayan para sa talastasan tungkol sa pagpapanumbalik ng Joint Comprehensive Plan of Action sa isyung nuklear ng Iran.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method