Tsina, hinding-hindi maglulunsad ng alitan ngunit hinding-hindi rin natatakot sa probokasyon

2022-02-06 16:43:24  CMG
Share with:

Nang makipagtagpo ngayong araw sa Beijing kay Punong Ministro Imran Khan ng Pakistan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pumapanig ang kanyang bansa sa katarungan sa mga suliraning pandaigdig.
 

Ani Xi, hinding-hindi maglulunsad ng alitan ang Tsina, ngunit hinding-hindi rin ito natatakot sa probokasyon.
 

Dagdag niya, nakahanda ang panig Tsino na palakasin ang pakikipagkoordina sa panig Pakistani sa mga multilateral na okasyong gaya ng United Nations (UN), at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method