Panlasang Pinoy sa Beijing

2022-03-09 11:59:23  CMG
Share with:

 

 

Dahil sa pleksibilidad at tibay na ipinakikita ng merkado ng Tsina, sa kabila ng mga hamong hatid ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), parami nang paraming kompanya mula sa iba't-ibang sulok ng daigdig ang nakukumbinsing maglagak ng pondo sa bansa.

 

Mula sa Asya, Europa, Aprika, Amerika, at marami pang iba,  sari-saring negosyo ang itinatatag sa mga lunsod na gaya ng Shanghai, Shenzhen, Guangzhou, at siyempre, ang pumipintig na puso at kabisera ng Tsina - Beijing.

 

Isa sa mga nagka-interes magnegosyo sa Tsina ay ang Pinay na si Gem.

 

Matapos niyang matapos ang kanyang master's degree sa isang unibersidad ng Beijing, itinayo niya kamakailan ang Mesa Madre, ang kaisa-isang Pinoy restawran sa lunsod.

 

Sa pamamagitan nito, naibabahagi niya sa mga Tsino at iba pang mga dayuhan ang kultura at kagawiang Pilipino sa pamamagitan ng mga katakam-takam na putaheng natutunan pa niya mula sa kanyang inang tubong Pampanga.

 

Panoorin at tunghayan ang nakakatuwa at nakaka-inspirang kuwento ni Gem at Mesa Madre, restawran na nagsisilbing kultural na tulay ng mga Pilipino at Tsino.

Please select the login method