Unang pangkat ng mga makataong tulong ng Tsina para sa Ukraine, dumating na

2022-03-12 17:22:19  CMG
Share with:

Dumating kahapon, Marso 11, 2022, ng Ukraine, ang unang pangkat ng mga makataong tulong mula sa Tsina, na nagkakahalaga ng 5 milyong yuan RMB o halos 800 libong US Dollar.

 

Nauna rito, inihatid ang naturang mga materyal, sa pamamagitan ng eroplano, sa paliparan ng Bucharest, kabisera ng Romania, at pumasok sa Ukraine sa pamamagitan ng hanggahan ng dalawang bansa.

 

Ang unang pangkat ng mga makataong tulong ay binubuo ng 1 libong family kit, na may mga kumot, tuwalya, kubyertos, banig, balde, lampara, at iba pa.

 

Ang mga ito ay ipinagkaloob ng Red Cross Society ng China, at ililipat sa Red Cross Society ng Ukraine, makaraang dumating sa Chernivtsi, lunsod sa kanlurang bahagi ng Ukraine.

 

Ayon pa rin sa ulat, ang ikalawang pangkat ng mga makataong tulong ay ihahatid mula sa Beijing, bukas, Marso 13.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method