Talastasan ng Rusya at Ukraine, ipagpapatuloy

2022-03-16 15:04:32  CMG
Share with:

 

 

Talastasan ng Rusya at Ukraine, ipagpapatuloy_fororder_20220316Ukraine1

Ipinahayag nitong Martes, Marso 15, 2022 ni Mykhailo Podolyak, Presidential Advisor at Kinatawan ng Ukraine sa talastasan, na ipagpapatuloy ang talastasang pangkapayapaan nito sa Rusya sa Miyerkules, Marso 16.

Sa kanyang social media post, sinabi niyang kahit hindi nawawala ang mga pundamental na pagkakaiba sa pagitan ng dalawang bansa, mayroon pa ring espasyo para sa pagsasanggunian.

Talastasan ng Rusya at Ukraine, ipagpapatuloy_fororder_20220316Ukraine

Nang araw ring iyon, ipinatalastas ng Ministring Panlabas ng Rusya, na nagsimula na ang proseso ng pag-alis ng bansa sa Council of Europe.

Pero ipinahayag ng panig Ruso na bukas ito sa pragmatiko at pantay na interaksyon sa mga kasaping bansa ng Council of Europe.

Salin: Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method