Sa katuwiran ng umano’y karapatang-pantao, inihayag kamakailan ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na ipapataw ang restriksyon sa visa laban sa mga opisyal Tsinong nasa Tsina, nasa Amerika at iba pang bansa.
Ang ganitong aksyon ay lantarang pagsasagawa ng hegemonismo, sa ngalan ng “karapatang-pantao.”
Ito ay nagpapakita rin ng pagka-ipokrito at doble istandard ng bansang umano’y “tagapagtanggol ng karapatang pantao.”
Nitong Marso 20, isang araw bago ilabas ni Blinken ang naturang pahayag, ay ika-19 na anibersaryo ng pagsiklab ng digmaan sa Iraq.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring maipakitang ebidensya ang Amerika sa paglulunsad ng digmaan sa Iraq, na ikinamatay ng halos 200,000 sibilyan.
Bukod diyan, di-mabilang ang mga na-apektuhang mamamayan sa mga digmaang inilunsad ng Amerika sa iba’t-ibang sulok ng mundo na gaya ng Iraq, Afghanistan, Syria at iba pa.
Pinatutunayan nito na ang Amerika ay ang pinakamalaking tagalapastangan ng karapatang-pantao sa daigdig.
Pinalaganap nila ang American value, sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga digmaan, at panggugulo sa ibang bansa.
Samantala, napakasama ng kondisyon ng karapatang-pantao sa loob ng Amerika.
Ang genocide na ginawa nila sa mga Katutubong Amerikano (American Indian) ay isang malinaw na patunay.
Dagdag pa riyan, hanggang ngayon ay nangingibabaw pa rin ang sistematikong diskriminasyong panlahi sa Amerika.
Bago ilabas ni Blinken ang naturang pahayag, muling nag-usap sa telepono ang mga lider ng Tsina at Amerika.
Inulit ni Pangulong Joe Biden ng Amerika ang mga pangakong kinabibilangan ng: hindi maghahangad ng bagong cold war, hindi babaguhin ang sistema ng Tsina, hindi magpapalakas ng relasyon sa mga alyansang laban sa Tsina, hindi susuporta sa “pagsasarli ng Taiwan,” at hindi makikipagsagupaan sa Tsina.
Ang pahayag ni Blinken ay taliwas sa komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at nagbubulag-bulagan sa pangako ni Biden.
Nais ba niyang muling tumaliwas sa katarungan?
Salin: Vera
Pulido: Rhio