Mga kompanya at dalubhasang Tsino na kasali sa pagtatatag ng Cat Linh-Ha Dong metro line project, ginantimpalaan ng Hanoi Metro Company

2022-03-29 15:48:31  CMG
Share with:

Ginawaran nitong Lunes, Marso 28, 2022 ng gantimpala ng Hanoi Metro Company ng Biyetnam ang mga kompanya at dalubhasa ng Tsina na kasali sa konstruksyon ng Cat Linh-Ha Dong metro line project.
 

Ang naturang proyekto ay kauna-unahang metro line sa Biyetnam.

Mga kompanya at dalubhasang Tsino na kasali sa pagtatatag ng Cat Linh-Ha Dong metro line project, ginantimpalaan ng Hanoi Metro Company_fororder_20220329MetroLine

Halos 13 kilometro ang kabuuang haba ng buong linya.
 

Sinimulan ang konstruksyon nito noong Oktubre ng 2011, at pormal na naisaoperasyon ito noong Nobyembre ng 2021.
 

Namamahala sa konstruksyon ng nasabing linya ang Chinese joint venture na binubuo ng tatlong kompanyang Tsino.
 

Noong Marso ng 2021, ipinadala ng panig Tsino ang 24 na dalubhasa sa Hanoi, upang magbigay ng serbisyong tagapayo sa pagsasaoperasyon ng naturang metro line.
 

Ayon sa opisyal ng Hanoi Metro Company, sa ilalim ng pagsuporta ng panig Tsino, matatag ang takbo ng Cat Linh-Ha Dong metro line, nitong nakalipas na 4 na buwan sapul nang isaoperasyon ito, at kasiya-siyang natapos ang mga nakatakdang target.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method