Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Rusya, nag-usap

2022-03-31 15:30:00  CMG
Share with:

Mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Rusya, nag-usap_fororder_20220331Rusya

 

Nag-usap Miyerkules, Marso 30, 2022 sa lunsod Tunxi, lalawigang Anhui sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya.

 

Binigyang-diin ng dalawang panig na dapat isakatuparan ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa at pasulungin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.

 

Kaugnay ng isyu ng Ukraine, sinabi ni Lavrov na buong sikap na pinapahupa ng Rusya ang tensyon.

 

Ipagpapatuloy rin aniya ng kanyang bansa ang pakikipagtalastasan sa Ukraine at pananatilihin ang pakikipag-ugnayan sa komunidad ng daigdig.

 

Sinabi naman ni Wang na kinakatigan ng Tsina ang pagpapatuloy ng talastasang pangkapayapaan ng Rusya at Ukraine at mga natamong bunga ng mga naunang talastasan.

 

Aniya, sa pangmalayuang pananaw, dapat pag-aralan ng Rusya at Ukraine ang krisis na ito para itatag ang pangmatagalan, balanse at mabisang mekanismog panseguridad sa Europa, sa pamamagitan ng diyalogo at pag-uusap.

 

Samantala, nagpalitan din sila ng mga palagay hinggil sa kalagayan ng Asiya-Pasipiko, Korean Peninsula, Mekanismo ng BRICS at Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Si Lavrov ay nasa Tsina para lumahok sa Ikatlong Pulong ng mga Ministrong panlabas ng mga Kapitbansa ng Afghanistan.

Please select the login method