Ipinahayag nitong Huwebes, Marso 31, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sapul nang maganap ang krisis ng Ukraine, “Limang Paggiit” ang papel ng Tsina sa isyung ito na kinabibilangan ng: una, paggiit ng tamang direksyon ng pagpapasulong ng mapayapang paglutas at talastasan; ikalawa, paggiit ng saligang prinsipyo ng pandaigdigang relasyon; ikatlo, paggiit ng pagpigil ng pag-usbong ng Cold War mentality; ikaapat, paggiit ng pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng iba’t ibang bansa; at ikalima, paggiit ng katatagan at kapayapaan ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Binigyang-diin ni Wang na bilang pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, patuloy na gaganap ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, ng kontruktibong papel sa pangangalaga sa kapayapaan at pagpapasulong ng talastasang pangkapayapaan ng Ukraine at Rusya.
Salin: Ernest
Pulido: Mac