Tianzhou-2 cargo spacecraft ng Tsina, muling pumasok sa atmospera ng Mundo

2022-04-01 12:13:32  CMG
Share with:

Tianzhou-2 cargo spacecraft ng Tsina, muling pumasok sa atmospera ng Mundo_fororder_20220401Tianzhou2

Ayon sa China Manned Space Engineering Office, natupad nitong Huwebes, Marso 31, 2022 ng Tianzhou-2 cargo spacecraft ng Tsina ang controlled re-entry sa atmospera ng Mundo.
 

Natupok ang malaking bahagi ng nasabing spacecraft, samantalang bumagsak ang ilang maliliit na labi sa nakatakdang ligtas na rehiyon sa South Pacific.
 

May dalang 6.8 toneladang suplay sa space station, ang Tianzhou-2 ay kauna-unahang cargo spacecraft na ipinadala sa orbita sa panahon ng masusing technology verification phase ng Space Station ng Tsina.
 

Pagkaraang bumalik ang mga Taikounaut sa Shenzhou-13 sa kalagitnaan ng Abril, ilulunsad ng Tsina ang Tianzhou-4 cargo spacecraft, kasunod ng Shenzhou-14 crewed spaceship.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method