Kaugnay ng alegasyong inilabas kamakailan sa pahayagang The Times ng Britanya tungkol sa umano'y pagsasagawa ng Tsina ng mga cyber attack sa Ukraine, sinabi kahapon, Abril 4, 2022, ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Britanya, na iresponsable at hindi kapani-paniwala ang naturang ulat.
Tinukoy ng tagapagsalita, na ayon sa pahayag ng Ukraine, hindi nito ibinahagi sa pahayagang The Times ang anumang opisyal na impormasyon, at wala ring ginawang imbestigasyon tungkol sa di-umanong cyber attack.
Dagdag ng tagapagsalita, nitong mga nakalipas na panahon, ginawa ng The Times ang mga ulat tungkol sa Tsina, na hindi totoo, sinasadyang magbaligtad ng tama at mali, at naninirang-puri pa sa Tsina. Ang mga ito aniya ay lubos na salungat sa propesyonal na etika ng pamamahayag at nanlilinlang ng mga mambabasa. Mariing kinokondena ng Tsina ang maling ginawang ito, saad niya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos