Wang Yi: Tsina, hindi naghahangad ng makasariling heopulitikal na kapakanan sa isyu ng Ukraine

2022-04-05 20:19:23  CMG
Share with:

Sa pakikipag-usap sa telepono kahapon, Abril 4, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Dmytro Kuleba, Ministrong Panlabas ng Ukraine, sinabi ni Wang, na sa isyu ng Ukraine, hindi naghahangad ang Tsina ng makasariling heopulitikal na kapakanan, walang atityud ng pagwawalang bahala sa sagupaan, at hindi gagawa ng mga bagay na magpapalala ng kalagayan.

 

Dagdag ni Wang, ang kapayapaan ay siyang tanging buong tapat na inaasahan ng Tsina. Kailangan aniyang isagawa ng Rusya at Ukraine ang talastasan, hanggang magkaroon ng tigil-putukan at kapayapaan.

 

Binigyang-diin din ni Wang, na dapat pulutin ang aral mula sa kasalukuyang krisis, at panatilihin ang pangmatagalang katiwasayan sa Europa sa pamamagitan ng pagbuo ng balanse, mabisa, at sustenableng balangkas na panseguridad. Patuloy aniyang patitingkarin ng Tsina ang konstruktibong papel para rito.

 

Sinabi naman ni Kuleba, na ang Tsina ay dakilang bansa at positibong lakas sa pangangalaga sa kapayapaan. Umaasa aniya ang Ukraine, na patuloy na patitingkarin ng Tsina ang mahalagang papel, para bigyang-wakas ang digmaan.

 

Pinasasalamatan ng Ukraine ang Tsina sa pagkakaloob ng makataong tulong, dagdag niya.

 

Ipinahayag din ni Kuleba, na igigiit ng Ukraine ang pangako sa pagdaraos ng talastasang pangkapayapaan sa Rusya, at hahanapin ang pangmatagalang solusyon.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method