CMG Komentaryo: Isyu ng Falkland Islands, inaasahang tumpak na pakikitunguhan ng Britanya

2023-01-04 15:12:43  CMG
Share with:

Idineklara, Enero 1, 2023 ni Punong Ministro Pravind Kumar Jugnauth ng Mauritius ang pagsisimula ng talastasan sa Britanya tungkol sa pinagtatalunang soberanya ng Chagos Archipelago.

 

Ito’y senyales ng pormal na pag-uumpisa ng proseso ng pagbalik ng Chagos Archipelago sa Mauritius.

 

Maliban diyan, umaasa ang komunidad ng daigdig na makaraang malutas ang isyu ng nasabing arkipelago, maayos ding reresolbahin ng Britanya ang isyu ng Falkland Islands, at panunumbalikin ang pakikipagtalastasan sa Argentina.

 

Ang Britanya ay dating malaking kapangyarihan sa Europa na may napakaraming kolonya sa ibayong dagat.

 

Noong 1965, bilang karagdagang kondisyon sa pagsasarili ng Mauritius, inihiwalay ng Britanya ang Chagos Archipelago bilang “teritoryo sa ilalim ng administrasyon ng Britanya sa Indian Ocean.”

 

Inihayag ng Britanya ang pagsasauli nito sa Mauritius sa angkop na panahon.

 

Noong Pebrero ng 2019, napagdesisyunan ng United Nations (UN) International Court of Justice na ilegal ang pagsakop ng Britanya sa Chagos Archipelago.

 

Noong Mayo ng taon ding iyon, pinagtibay ng Pangkalahatang Asemblea ng UN ang resolusyong humihiling sa Britanya upang isauli ang Chagos Archipelago sa Mauritius sa loob ng 6 na buwan.

 

Pero lagi itong binabalewala ng nasabing bansa.

 

Kaugnay naman ng isyu ng Falkland Islands, napakalinaw ng kaukulang resolusyon ng UN.

 

Minsa’y mahigit 30 beses na inilabas ng espesyal na misyon ng United Nations and Decolonization ang resolusyong nananawagan sa pamahalaang Britaniko na makipagtalastasan sa Argentina.

 

Ang kolonyalismo ay isang peklat sa kasaysayan ng sangkatauhan, at hindi kailanman ititigil ng komunidad ng daigdig ang suporta sa Argentina.

 

Makaraang malutas ang isyu ng Chagos Archipelago, umaasa ang mundo na tumpak na pakikitunguhan ng Britanya ang isyu ng Falkland Islands, at panunumbalikin ang talastasan sa pinakamadaling panahon upang maisauli ito sa Argentina.

 

Sa ika-21 siglo, walang anumang espasyo ang kolonyalismo.