Pinadala ng Pamahalaang Pilipino ang rescue team upang tumulong sa search, rescue, at relief efforts sa mga biktima ng 7.8 magnitude na lindol.
Gabi, Huwebes, Pebrero 9, 2023, lumapag sa Istanbul, Türkiye ang Philippine rescue team, lulan ang Turkish Airlines Flight TK 85, alas-12:08 ng tanghali, oras ng Pilipinas. Ito ang sinabi ni Diego Agustin Mariano, Puno ng Office of Civil Defense (OCD) Joint Information Center.
Binubuo ang Philippine Rescue Team ng mahigit 80 miyembro mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), 525th Engineer Combat Battalion at 51st Engineer Brigade ng Philippine Army, at Air Force 505th Search and Rescue Group.
Pamumunuan ito ni Maj. Erwen Diploma, Squadron Commander, 5057TH PRS ng Philippine Airforce (PA).
Kasama rin ang mga kinatawan ng OCD, Metro Manila Development Authority (MMDA), Subic Bay Metropolitan Authority, at mga emergency medical technicians (EMTs) mula sa Department of Health.
Nauna rito, sinabi ni Defense officer-in-charge Secretary Carlito Galvez Jr., na nilalayon nilang umasa ang koponan sa kanilang sarili at hindi maging pabigat sa host country.
Magdadala rin ang PH rescue team, kasama ang OCD, pribadong sektor, at mga local government unit ng mga damit, sleeping kit sa taglamig, at mga hygiene at sanitary kit, na ibibigay sa mga biktima ng lindol.
"Ito ang aming kontribusyon sa sangkatauhan, at inutusan kami ng Pangulo para sa mga response team na maghanda para sa deployment, para sa mga tao ng Türkiye," sabi ni Galvez.
Ulat: Ramil Santos
Pulido: Jade
Photo courtesy: Neil Mamaclay, Office of Civil Defense
Patnugot sa website: Jade