Mga pangalawang ministrong panlabas ng Tsina at Pilipinas, nag-usap sa telepono

2023-02-20 16:19:46  CMG
Share with:

Nag-usap, Pebrero 17, 2023 sa telepono sina Sun Weidong, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Theresa P. Lazaro, Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

 

Saad ni Sun, sa simula ng bagong taon, matagumpay na isinagawa ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang dalaw-pang-estado sa Tsina, at nagkaroon ng mahalagang komong palagay ang mga lider ng dalawang bansa hinggil sa pagpapalalim ng bilateral na relasyon.

 

Kasama ng panig Pilipino, handa aniya ang panig Tsino na mataimtim na ipatupad ang mga komong palagay sa pagitan ng dalawang pangulo, at pasulungin ang matatag na relasyon ng dalawang bansa tungo sa magandang kinabukasan.

 

Inihayag naman ni Lazaro ang pag-asang masigasig na ipapatupad ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Malalimang nagpalitan din ng kuru-kuro ang kapuwa panig kaugnay ng mga isyung pandagat sa pagitan nila.

 

Kapuwa sinang-ayunan nilang patuloy na panatilihin ang mahigpit na pag-uugnayan sa iba’t ibang antas, sa pamamagitan ng bilateral na mekanismo, maayos na hawakan ang mga alitang pandagat, at magkasamang ipagtanggol ang relasyong Sino-Pilipino at kapayapaa’t katatagan ng South China Sea.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil