Estratehikong pagsasarili ng ASEAN, suportado ng Tsina – Wang Yi

2023-03-28 15:07:51  CMG
Share with:

Beijing, Tsina – Sa kanyang pakikipagtagpo Lunes, Marso 27, 2023 kay Pangkalahatang Kalihim Kao Kim Hourn ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), inihayag ni Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na patuloy at matatag na suportado ng kanyang bansa ang integrasyon ng ASEAN at konstruksyon ng ASEAN Community, estratehikong pagsasarili ng rehiyon, pagkakaisa para sa pag-unlad, at pagpapanatili ng arkitektura ng kooperasyong panrehiyon na ang sentro ay ASEAN.

 

Diin pa ni Wang, dapat magkakapit-bisig na pasulungin ng kapuwa panig ang modernisasyon ng Asya; itatag ang kaaya-aya komong tahanan na may kapayapaan, katahimikan, kasaganaan at pagkakaibigan; at tutulan ang tangkang likhain ang konprontasyon ng malalaking bansa at bloc confrontation.

 


Saad naman ni Kao, ang Tsina ay kapani-paniwalang pangmalayuang kooperatibong katuwang ng ASEAN.

 

Handa aniya ng ASEAN na walang humpay na palalimin ang komprehensibo’t estratehikong partnership sa Tsina, magkasamang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at palakasin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan at pamumuhunan, didyital na ekonomiya, berdeng pag-unlad at iba pa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio