Tsina, palalalimin ang kooperasyon sa Pransya – Xi Jinping

2023-04-07 15:15:25  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagpipinid ng ika-5 pulong ng China-France Business Council Huwebes, Abril 6, 2023, inanunsyo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na patuloy na palalalimin ng bansa ang kooperasyon sa Pransya, at magkasamang harapin ang mga hamong pandaigdig.

 

Aniya, ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at Pransya ay hindi lamang makakapagpasulong sa paglago ng kabuhayan ng dalawang bansa, kundi makakapagpalakas din ng kompiyansa sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Dapat aniyang igiit ang pagbubukas at pagbibigayan, upang palalimin ang bilateral na kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan; dapat igiit ang pagpapasiya sa sarili, upang pangalagaan ang komong kapakanan ng Tsina at Europa; at dapat manangan sa pagkakaisa at pagtutulungan, para pasulungin ang komong kaunlaran ng buong mundo.

 


Dumalo rin sa nasabing pulong si dumadalaw na Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.

 

Saad ni Macron, tinututulan ng Pransya ang decoupling, at umaasang bubuuin ang mas matatag, malusog at bukas na supply chain.

 

Kasama ng panig Tsino, handa aniya ang panig Pranses na palalimin ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, at pasulungin ang tuluy-tuloy na pagtamo ng kooperasyon nila sa iba’t ibang larangan ng mahalagang progreso.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil