Vlog ni Sissi-Regalo ng pagkakaibigan

2023-04-12 14:39:56  CRI
Share with:

Weekend na naman, kaya patuloy tayong maglalakad-lakad sa Beijing.

 

Tanong, anong bagay ang puwedeng gawing opisyal na regalo ng isang bansa? Ang sagot ay puwedeng makita sa lugar na ating bibisitahin ngayong araw – ang Central Gift and Heritage Management Center.

 

Binuksan noong 2022, nakalagak at nakadispley sa Central Gift and Heritage Management Center ang mahigit 640 diplomatikong regalong tinanggap ng mga pinunong Tsino sapul nang itatag ang People’s Republic of China noong 1949.

 

Ito ang kauna-unang regalong natanggap ng PRC – isang telegramang ipinadala ng dating Unyong Sobyet hinggil sa pagkakatatag ng relasyong diplomatiko.

 

Ang tapestry na ito ay galing sa Pransya.

 

Ang Pransya ang kauna-unahang bansang kanluranin na pormal na nagtayo ng relasyong diplomatiko sa Tsina noong 1964.

 

Noong 1973, bagong gawin ang dalaw pang-estado sa Tsina, natiyak na may sakit na cancer si French President Georges Jean Pompidou, pero sa kabila nito, iginiit niyang tapusin ang pagbisita sa Tsina.

 

Ang tapestry na ito ay regalong ibinigay ni President Pompidou kay Chairman Mao Zedong ng Tsina.

 

Ang sisne ay simbolo ng kasiyahan at suwerte, at paboritong hayop ni President Richard Nixon ng Amerika.

 

Noong 1972, sa kanyang icebreaking visit sa Tsina, dinala ni President Nixon ang porselanang sculpture na ito sa Air Force One, at ito ay naging saksi sa bagong pahina ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.   

 

Philippines, Philippines, Philippines, meron po bang regalong galing sa Pilipinas? Ha, heto! Totoong maganda ang kaha, at itoy nagdudulot ng malumanay na tanglaw, parang impresyong ini-wan ni Pangulong Corazon Aquino. Gentle and soft pero determinado.

 

Isang tough guy ang imahe ni Valdimir Putin, pero, ang regalong pinili niya para kay Presidente Xi Jinping ay parang isang fairy tale.

 

Ito ay isang modelo ng Church of the Savior on the Spilled Blood. Puwedeng buksan ang lahat ng bintana at pinto ng modelong ito, at maganda rin ang kombinasyon ng mga kulay.

 

Halikayo rito, mayroong isa pa – bookends in the shape of the Malacanang Palace, isang espesyal na regalong ibinigay ni Pangulong Duterte kay Presidenteng Xi Jinping noong 2018.

 

Sa totoong lang, makaraang pagmasdan ang lahat ng regalo, makikita ang ilang pagkakatulad, halimbawa, ang mga bansang Aprikano ay gustong magbigay ng natural na wood carving; ang mga bansang Europeo ay gustong magbigay ng produktong salamin, at ang mga bansang Arabe ay  gustong magbigay ng mga bling bling na bagay.

 

Sa ikalawang palapag ay nakadispley naman ang mga opisyal na regalong ibinibigay ng Tsina sa mga kaibigang dayuhan, tulad ng cloisonne enamel, seda, porselana at lacquer ware.

 

Ang lahat ng mga ito ay intangible culture heritage ng Tsina.


Video Editor: Sissi


Pulido: Rhio