Multifunctional culture center, nagdadala ng makulay na pamumuhay

2023-04-20 15:18:47  CMG
Share with:


Ngayong araw ay dadalhin ko kayo sa Culture Center ng Shijingshan District dito sa Beijing.

 

Dito, mayroong isang “Internet famous site” - “The Rainbow Staircase.”

 

Ito ay nasa outdoor platform sa ikatlong palapag ng Culture Center ng Shijingshan District.

 

Ang buong hagdan ay pinintahan ng pitong kulay ng bahaghari, at kapag maaraw ang panahon, makikita ang repleksyon ng mga kulay sa aserong bubong ng gusali.

 

Napaka-astig ng disenyo ng bubong, dahil mayroon itong magandang bintanang salamin sa tuktok, cambered na bubong na binubuo ng mga metal wallboard, at iba pa.

 

Tuwing sasapit ang gabi, binubuksan ang mga ilaw sa bubong.

 

Kapag pumasok ang mga turista sa outdoor platform at tumingala, pare-pareho ang kanilang reaksyon –“wow!”

 

Bukod sa outdoor platform, makikita rin sa mahigit 40 libong metro kuwadradong culture center ang pinaghalong museo, exhibition hall, art gallery, aklatan, public welfare theatre, at iba pa.

 

Sa Museo ng Shijingshan District, naipapabatid sa mga turista ang kasaysayan ng distrito na gaya ng pinagmulan ng pangalang “Shijingshan.”

 

Puwede ring pagmasdan dito ang mga cultural relic na natuklasan sa distrito.

 

Sa mga art gallery at exhibition hall naman, puwedeng ma-enjoy ng mga tao ang iba’t-ibang eksibisyon ng kaligrapiya, pinta, intangible cultural heritage, pag-unlad ng animation film sa Tsina, at tourist attractions.

 

Ang aklatan ng culture center ay bukas 24 oras.

 

Ibig sabihin, kahit kailan at anong oras naising humiram, magbasa, at magsauli ng mga libro, walang problema.

 

Maliban diyan, mapapanood din dito ang mga pelikula at palabas, at libre ang lahat ng ito para sa mga mamamayan.

 

Dahil sa magandang disenyo, malaking espasyo, samu’t-saring aktibidad at libreng pagbisita, maraming tao ang pumupunta sa Culture Center ng Shijingshan District, para pumasyal, magrelaks at kumuha ng litrato.

 

Ito ay isa sa mga rekomendadong pasyalan sa Beijing.



Video/Script: Kulas

Pulido: Rhio/Jade