Vlog ni Sissi-Peach Farm

2023-05-06 17:28:18  CRI
Share with:

Mahangin at maulan ang tagsibol ng Beijing, kaya, kung maganda ang panahon, gustung-gustong lumabas ng bahay ang mga taga-Beijing para merong intimate contact sa kalikasan.

 

Ang Pinggu District, sa gawing silangan ng Beijing, ay isa sa mga pinakasikat na production base ng pits sa Tsina at tuwing tagsibol, kapag namulaklak ang mga peach blossom, ang buong Pinggu ay nagiging isang pink flower sea.

 

Talagang maganda ang mga peach blossom, pero, bigla kong nakita sa likod ko, meron isang kuya at isang ate na sinisira ang mga peach blossom, bakit ganito?

 

Sa totoo lang, kung taimtim na pagmamasdan ang kanilang mga ginagawa, hindi nila aalisin ang lahat ng bulaklak. At pagkaraang tanungin ko sila, alam ko na dahil ang isang bulaklak ay kumakatawan sa isang milokoton o peach sa hinaharap, kung sobrang marami ang prutas sa isang sanga, baka mabasag ang sanga dahil sobrang mabigat ito at titigil naman ang paglaki ng mga prutas dahil kulang sa nutrisyon.

 

Binuksan pa nina kuya at ate ang audio play ng kanilang tricycle at nagtatrabaho kasama ng musika, sarap! 

Nagtanim naman sina kuya at ate ng spring onion sa pagitan ng mga peach tree, at sinabi sa akin ng isang kaibigang taga-Pinggu na magtatanim pa ang mga magsasaka ng cucumber, spinach sa peach garden, para lubos na samantalahin ang espasyo.

 

Nang ako ay pauwi na, nakita ko ang ilang fruit tree na nakalagay sa plastic bag na may lupa sa loob. Alam po ba ninyo kung para saan ang mga ito? Actually, ito ay dahil bagong tanim ang mga puno at medyo concentrated pa ang mga sanga. Ang mga plastic bag ay nagsisilbing timbangan at sa tulong ng mga ito, nagiging disperse ang mga sanga, tapos puwedeng tumanggap ng mas maraming sikat ng araw at lumaki nang mas malaki at mas matamis ang mga prutas.


Video Editor: Sissi


Pulido: Ramil