Magkasamang pagtatatag ng BRI para sa bagong prospek ng kooperasyong Asya-Europa, ipinanawagan ni Pangulong Xi Jinping

2023-05-25 15:08:56  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng sesyong plenaryo ng Ika-2 Eurasian Economic Forum ng Eurasian Economic Union via video link, nanawagan, Miyerkules, Mayo 24, 2023 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para sa magkasamang pagtatatag ng Belt and Road Initiative (BRI), upang likhain ang makabagong prospek ng kooperasyong Asyano-Europeo.

 

Sinabi ni Xi na ang kasalukuyang mundo ay nasa gitna ng isang malaking pagbabagong hindi pa nararanasan sa loob ng isang daang taon, at ang pagiging multipolar ng mundo at ang pangkasaysayang tunguhin ng globalisasyon ng ekonomiya ay hindi matatawaran.

 

Aniya, ang pagtataguyod ng tunay na multilateralismo at pagpapalakas sa rehiyonal na pagkakaayos sa pag-unlad ay isang malawakang konsenso sa pandaigdigang lipunan.

 


Dagdag ni Xi, ang kontinente ng Asya-Europa ay may pinakamaraming populasyon, pinakamaraming bansa, at pinakamayamang magkakaibang kultura sa buong mundo.

Sa harap ng mga pagbabago at kaguluhan, paano dapat tahakin ang daan tungo sa pagkakaroon ng kooperasyong Asya-Europa, tanong niya.

 

Ang tanong na ito aniya ay hindi lamang may kinalaman sa kaginhawahan ng mga mamamayan sa rehiyon, kundi may malalim na epekto rin sa direksyon ng pandaigdigang pag-unlad.

 

Para sa mga hamong ito, binigyang-diin ni Xi, na malinaw ang sagot ng Tsina, at iminungkahi niya ang mga pandaigdigang inisyatiba sa pag-unlad, seguridad, at kabihasnan, at humihiling sa lahat ng mga bansa na magsama-sama upang itayo ang kapayapaan, pangkalahatang seguridad, magkakasamang pag-unlad, bukas na pagtanggap, malinis at magandang mundo, at itaguyod ang pagtatayo ng isang komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.

 

Bilang miyembro ng pamilya ng Eurasia, hindi maipapatupad ng Tsina ang sariling kaunlaran at makakapaghatid ng benepisyo sa rehiyon kung walang Eurasia, saad ni Xi.

 

Taos-puso aniyang umaasa ang panig Tsino na magiging malalim at pragmatiko ang sinerhiya sa pagitan ng BRI at Eurasian Economic Union, at magkakapit-bisig na lilikhain ng iba’t-ibang bansa ang makabagong prospek ng kooperasyong Asyano-Europeo.

 

Dagdag niya, sa huling hati ng taong ito, itataguyod ng Tsina ang Ika-3 Belt and Road Forum for International Cooperation.

 

Kasama ng mga kasosyong bansa sa BRI at mga kasaping bansa ng Eurasian Economic Union, ibabahagi ng Tsina ang mga pagkakataon, pananaigan ang mga kahirapan, at lilikhain ang bagong kabanata sa sibilisasyon ng multipolarisadong dagidig.

 

Ginanap nang araw ring iyon sa kapuwa online at offline platform sa Moscow, Rusya ang naturang porum, sa ilalim ng temang “Integrasyon ng Eurasia sa Isang Multipolarisadong Daigdig.”

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio