Sa pagsusuri ng United Nations Security Council (UNSC) sa isyu ng pagkakaloob ng sandata sa Ukraine, nanawagan si Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na aktibong tugunin ng kaukulang panig ang pananawagan ng komunidad ng daigdig, at unti-unting likhain ang kondisyon para sa pinal na pagresolba sa krisis ng Ukraine.
Saad ni Geng, sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan, mas kinakailangan ng daigdig ang tigil-putukan, diyalogo’t talastasan, at pagpapasulong sa talastasang pangkapayapaan, sa halip ng pagkakaloob ng sandata, pag-a-upgrade ng digmaan, at camp-based confrontation.
Aniya, sa isyu ng Ukraine, sa mula’t mula pa’y nananangan ang Tsina na dapat ipagtanggol ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa, dapat sundin ang mga simulain ng Karta ng UN, dapat igalang ang makatwirang pagkabahalang panseguridad ng iba’t ibang panig, at dapat suportahan ang lahat ng mga sigasig na makakatulong sa mapayapang pagresolba sa krisis.
Kasama ng mga bansang nagnanais ng kapayapaan at naggigiit sa katarungan, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na gagampanan ang positibo’t konstruktibong papel para sa pagpapasulong ng pulitikal na resolbasyon ng isyu ng Ukraine, dagdag ni Geng.
Salin: Vera
Pulido: Ramil