Tsina at ASEAN, naghanap ng tumpak na landas – tagapagsalitang Tsino

2023-07-18 15:53:57  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia (TAC), inihayag Lunes, Hulyo 17, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na nitong nakalipas na 20 taon, iginigiit ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang diwa ng TAC, komprehensibong pinalawak ang kooperasyong mutuwal na kapakinabangan, at hinanap ang isang tumpak na landas ng pangmalayuang pagkakaibigang pangkapitbansa, komong kaunlaran at kasaganaan, bagay na nakapagpasulong sa sunud-sunod na pagsapi ng ibang bansa sa TAC.

 

Aniya, noong 2003, sa ilalim ng saksi ng mga lider ng Tsina at mga bansang ASEAN, unang una na lumagda ang Tsina sa kasunduan sa pagsapi sa TAC, at nagbukas ng bagong yugto ng relasyong Sino-ASEAN.

 

Dagdag niya, sa ilalim ng kasalukuyang masalimuot at pabagu-bagong kalagayang panrehiyon at pandaigdig, inilabas ng Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at ASEAN ang magkasanib na pahayag bilang paggunita sa ika-20 anibersaryo ng pagsapi ng Tsina sa TAC, at ito ay makakatulong sa magkasamang pagpapalaganap ng simulain ng TAC, pagpapatupad ng tunay na multilateralismo, at magkasamang pangangalaga sa alituntunin at kaayusan ng rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil