Pagpupunyagi ng komunidad ng daigdig para pigilan ang pagkawala ng kontrol ng kalagayan ng Ukraine, ipinanawagan ng kinatawang Tsino

2023-07-18 15:50:01  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Ukraine Lunes, Hulyo 17, 2023, inihayag ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kintawan ng Tsina sa UN, na sapul nang sumiklab ang krisis ng Ukraine, unti-unting lumilitaw ang tunguhin ng pagiging pangmalayuan, mas malawak at masalimuot ng kalagayan.

 

Dapat aniyang magkakasamang magpunyagi ang komunidad ng daigdig, upang puspusang pigilan ang pagkawala ng kontrol ng kalagayan, isakatuparan sa lalong madaling panahon ang tigil-putukan, at pasulungin ang pulitikal na solusyon sa krisis.

 

Saad ni Geng, sa isyu ng Ukraine, sa mula’t mula pa’y naninindigan ang panig Tsino na dapat pangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng iba’t ibang bansa; dapat sundin ang simulain ng Karta ng UN; dapat pahalagahan ang magkatuwirang pagkabahalang panseguridad ng iba’t ibang panig; at dapat suportahan ang lahat ng sigasig na makakabuti sa mapayapang pagresolba sa krisis.

 

Palagiang napapanatili ng panig Tsino ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga nagsasagupaang panig, ibang kaukulang panig at mga umuunlad na bansa, at isinasagawa ang aktuwal na hakbangin upang mapasulong ang talastasang pangkapayapaan, mapahupa ang makataong krisis, at kontrulin ang impluwensiya sa labas, dagdag ni Geng.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil