Jakarta, Indonesia - Sa kanyang talumpati sa Ika-8 East Asia Summit Huwebes, Setyembre 8, 2023, sinabi ni Premyer Li Qiang ng Tsina na aktibong pinapasulong ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang konsultasyon sa Code of Conduct in the South China Sea.
Umaasa aniya siyang lubos na igagalang ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang sigasig ng mga bansa ng rehiyon para mag-sanggunian ng mga alituntunin ng South China Sea, at mangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Tinukoy ni Li na nalaman na ng Silangang Asya ang mga kahirapan ng kaunlaran at kahalagahan ng pagbubukas at kapayapaan.
Aniya, nitong nakalipas na ilang dekada, sinamantala ng rehiyon ang pagkakataon ng panahon sa proseso ng globalisasyong pangkabuhayan, buong tatag na tinahak ang landas ng bukas na pag-unlad at win-win na kooperasyon, at nagsilbing mahalagang makina ng pag-unlad ng daigdig.
Sa harap ng bagong situwasyon at mga hamon, hinimok ni Li ang East Asia Summit na gagampanan ang mas malaking papel sa pagpapasulong sa pagsasakatuparan ng pangmalayuang katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil