Mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN, pasusulungin sa pamamagitan ng CAExpo

2023-09-15 15:51:37  CMG
Share with:

Inihayag Huwebes, Setyembre 14, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa pamamagitan ng gaganaping Ika-20 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS), magkasamang tatalakayin ng iba’t-ibang panig, ang mga pagkakataon, haharapin ang mga hamon, at hahangarin ang kooperasyon, tungo sa de-kalidad na pagpapatupad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at pagpapasulong ng pagbuo ng mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN.

 

Sa kasalukuyan, matatag aniyang pinapabuti ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at ang Tsina ay nananatiling pinakamalaking katuwang na pangkalakalan ng ASEAN nitong nakalipas na 14 na taong singkad.

 

Pinakamalaking magkatuwang na pangkalakalan ang kapuwa panig sa nakalipas 3 taon, dagdag niya.

 

Ani Mao, lumampas sa US970 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN noong 2022, at ito ay lumaki ng 11.2% kumpara sa noong 2021.

 

Bukod pa riyan, hanggang noong nagdaang Hulyo, mahigit US380 bilyong dolyares ang kabuuang bi-directional investment sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN, salaysay ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio