Mahigit 3,500 katao na ang nasasawi sa isang linggong digmaan sa pagitan ng Palestina at Israel, at ayon sa United Nations (UN), mabilis na lumalala ang makataong kalagayan sa Gaza.
Ang pundamental na dahilan ng alitan ng Palestina at Israel ay di-pagpapatupad ng pagtatayo ng isang independiyenteng estado ng Palestina.
Ipinakikita ng nangyayaring digmaan na ang tanging paraan para malutas ang problema ay pagsasakatuparan ng “Two-state Solution.”
Ang “Two-state Solution” ay angkop sa diwa ng resolusyon ng UN hinggil sa isyu ng Palestina at Israel, at kaisa-isang pangmatagalang solusyon para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Tinatanggap naman ng Palestina at Israel ang solusyong ito. Pero, habang ipinapatupad ito, lumabas ang pagkakaiba sa maraming isyu. Dahil dito, nahinto noong 2014 ang proseso ng pagsasakatuparan ng “Two-state Solution.”
Sa kasalukuyan, kasunod ng muling pagsiklab ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel, napagtatanto ng parami nang paraming tao, na kahit kinakaharap ang maraming hamon, ang “Two-state Solution” ay siya pa ring tanging kalutasan ng komunidad ng daigdig sa isyu ng Palestina at Israel – walang ibang alternatibo.
Darating sa Gitnang Silangan ang totoong kapayapaan kapag ganap na naisakatuparan ang “Two-state Solution.”
Salin:Sarah
Pulido:Rhio
CMG Komentaryo: Kapansin-pansing bunga, natamo ng BRI nitong 10 taong nakalipas
CMG Komentaryo: “Demokratikong Naratibo” ng Amerika, walang kredibilidad
CMG Komentaryo: Hangzhou Asian Games, mainit na tinatanggap ng mga Asyano
CMG Komentaryo: Tsina, sa mula’t mula pa’y likas na miyembro ng Global South