Agarang pagtigil ng mga ostilong aksyon sa pagitan ng Palestina at Israel, ipinanawagan ng Tsina

2023-11-08 16:41:26  CMG
Share with:

Sa Ika-4 na Komite ng Pangkalahatang Asambleya ng United Nations (UN) hinggil sa mga aktibidad ng Israel at settlement activities sa mga sinakop na teritoryo Martes, Nobyembre 7, 2023, ipinanawagan ni Geng Shuang, Pangalawang Pirmihang Kintawan ng Tsina sa UN, ang agarang pagtigil ng nagsasagupaang panig ng Palestina at Israel ng mga ostilong aksyon.

 

Muling nilinaw niyang ang lahat ng mga karahasan at pag-atake na nakakatuon sa mga siblyan ay dapat kondemnahin, at ang anumang kilos na labag sa pandaigdigang batas ay dapat tutulan din.

 

Diin niya, hindi katanggap-tanggap ang walang pakundangang paggamit ng dahas; hindi dapat at hindi pahihintulutang gawing target ng mga aksyong militar ang mga pasilidad na pansibilyan na gaya ng mga ospital, paaralan at refugee camp; at dapat igarantiya ang kaligtasan ng mga tauhan ng UN, mga makataong tauhan, mga doktor at nars.

 

Nanawagan din ang panig Tsino sa UN at UN Security Council na isagawa ang responsible at may kahulugang aksyon, upang suportahan ang pagpapanumbalik at paggamit ng mga mamamayang Palestino ng kani-kanilang di-maipagkakait na karapatan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil