Resolusyon kaugnay ng kalagayan ng Palestina at Israel, pinagtibay sa UNSC

2023-11-16 11:27:47  CMG
Share with:

Pinagtibay Miyerkules, Nobyembre 15, 2023 ng United Nations Security Council (UNSC) ang resolusyon kung saan nagpopokus sa makataong pagkabahala at nagtatampok sa pangangalaga sa mga bata.

 


Nanawagan ang nasabing resolusyon na pangkagipitang isagawa ang humanitarian pauses na may sapat na araw sa buong Gaza Strip, upang bigyang-ginhawa ang pagkakaloob ng mga pundamental na kagamitan at serbisyo, at pagsasagawa ng pangkagipitang pagliligtas at pagpapanumbalik sa rehiyon.

 

Bilang presidente ng UNSC sa kasalukuyang buwan, nangulo sa pulong si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil