CMG Komentaryo: “Dekalidad na paglaki ” ng rehiyong Asya-Pasipiko, mangyayari sa susunod na 30 taon

2023-11-20 18:06:54  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati, Nobyembre 17, 2023, sa Ika-30 Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Economic Leaders' Meeting, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na kailangang magsikap ang iba’t-ibang panig para pasulungin ang dekalidad na paglaki ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 


Ipinangako rin niyang ipagkakaloob ng Tsina ang bagong pagkakataon para sa pagpapasulong ng modernisasyon ng iba’t-ibang bansa sa pamamagitan ng modernisasyong Tsino.

 

Ang pagsasakatuparan ng “dekalidad na paglaki” ng rehiyong Asya-Pasipiko ay nangangailangan ng koorperasyon, partikular, dapat isakatuparan ng malalaking bansa ang sariling responsibilidad, upang maging modelo sa pangangalaga ng katatagan ng industrial at supply chain ng buong daigdig, at pagharap sa mga pandaigdigang hamon.

 

Sa pagtatagpo ng mga lider ng Tsina at Amerika sa San Francisco, narating ang mahahalagang komong palagay, na nagdulot ng katatagan sa kasalukuyang nagbabagong daigdig.

 

Kaugnay nito, ang mungkahing inilahad ni Pangulong Xi ay mayroong malakas na realistikong katuturan.

 

Mayroong kanya-kanyang paraan ang iba’t-ibang bansa para isakatuparan ang “dekalidad na paglaki” ng rehiyong Asya-Pasipiko, pero para sa mga pundamental na isyu, kailangan ang komong palagay.

 

Halimbawa, dapat igiit ang isang bukas na rehiyon, at pangalagaan ang katayuan ng APEC bilang pangunahing tsanel sa rehiyonal na kooperasyon.

 

Ang taong 2023 ay ika-30 anibersaryo ng pagdaraos ng APEC Economic Leaders' Meeting.

Kaugnay nito, patuloy na pinasusulong ng Tsina ang modernisasyong Tsino, at ito ay patuloy na makakatulong sa dekalidad na paglaki ng rehiyong Asya-Pasipiko sa susunod na 30 taon.

 

Mahalaga rin ito sa pagsasakatuparan ng APEC Putrajaya Vision 2040, para sa modernisasyon ng buong daigdig. 

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio