Solemnang representasyon kaugnay ng probokasyon ng panig Pilipino sa South China Sea, iniharap ng embahador ng Tsina

2023-12-12 14:53:31  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo nila ni Foreign Undersecretary Ma. Theresa Lazaro ng Pilipinas, Disyembre 11, 2023, iniharap ni Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas ang solemnang representasyon, kaugnay ng paglapastangan sa karapatan at probokasyon ng panig Pilipino sa rehiyong pandagat sa paligid ng Huangyan Island at Ren’ai Reef.

 

Diin ni Huang, ang Huangyan Island at Ren’ai Reef ay katutubong teritoryo ng Tsina, may di-mapapabulaanang soberanya ang panig Tsino sa mga pulo ng South China Sea (SCS) at rehiyong pandagat sa paligid, at mayroon din itong karapatan sa soberanya at hurisdiksyon sa kaukulang rehiyong pandagat.

 

Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Pilipino na itigil ang mga aksyon ng paglapastangan sa karapatan at probokasyon sa dagat, di magmatigas sa Tsina, bumalik sa tamang landas ng maayos na paghawak sa mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon, at magkasamang ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng SCS.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil