Ayon sa ulat ng Lebanese media, Enero 2, 2024, sinalakay nang araw ring iyon ng drone ng Israel ang tanggapan ng Islamic Resistance Movement o Hamas sa timog kanugnog ng Beirut, kabisera ng Lebanon.
Nasawi rito ang 6 na katao na kinabibilangan ni Saleh al-Arouri, Pangalawang Puno ng Hamas.
Kinondena Martes ni Punong Ministro Najib Mikati ng Lebanon ang nasabing pagsalakay, at nanawagan siya sa komunidad ng daigdig na itigil ang aksyong mapanalakay ng Israel.
Sa panayam ng medyang Tsino, sinabi ng kaukulang personahe ng Hamas na ipinaalam na ng Hamas sa mga panig ng mediyasyon na gaya ng Qatar at Ehipto ang pagpapa-freeze ng anumang talastasan sa Israel.
Pagkaganap ng pangyayaring ito, walang direktang komento ang pamahalaan at panig militar ng Israel tungkol sa nasabing air raid.
Pero sinabi sa isang panayam ni Tagapagsalita Daniel Hagari ng Israel Defense Forces na patuloy na bibigyang-dagok ng panig Israeli ang Hamas, at handang handa na ito para harapin ang anumang kondisyon.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Nasa 70 katao, patay sa airstrike ng Israel sa refugee camp sa may gitnang Gaza
Malawakang paghahatid ng makataong saklolo sa Gaza, hiniling ng UNSC
UNSC, pinagtibay ang resolusyon tungkol sa makataong tulong sa Gaza Strip
Bilang ng patay sa Gaza Strip, tumaas: tigil-putukan, pinag-usapan ng Qatar at Israel