Promotional video para sa 2024 Spring Festival Gala, isinahimpapawid sa Siem Reap Angkor International Airport

2024-02-02 12:47:40  CMG
Share with:

Paulit-ulit na isinahimpapawid, Pebrero 1, 2024 sa Siem Reap Angkor International Airport, Kambodya ang promotional video para sa 2024 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 


Itinatanghal sa nasabing promotional video ang mga malikhaing produktong kultural ng CMG na puno ng simoy ng pestibal at katangi-tanging palabas ng lion dances ng Tsina, bagay na nakahikayat ng panonood ng maraming banyagang turista.

 


Bilang panauhing espesyal na inanyayahan ng CMG, idinispley at ipinopromote ni Prinsesa Norodom Jenna ng Kambodya ang mga malikhaing produktong kultural ng CMG, at isinalaysay ang hinggil sa kultura ng Pestibal ng Tagsibol o Chinese New Year.

 


Aniya, binago ng pagtatatag ng bagong paliparan sa Siem Reap ang pamumuhay ng mga mamamayan sa lokalidad.

 

Sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ng promosyon, mas mainam na mauunawaan ng mga tao ang kulturang Tsino, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil