CMG Komentaryo: Ang pangmamaliit sa ibang tao ay hindi magpapalakas sa iyo

2024-03-05 16:45:34  CMG
Share with:

Sinabi kamakailan ni Gina Raimondo, Kalihim ng Komersyo ng Amerika, na sa kasalukuyan, ang mga sasakyang yari ng Tsina sa Amerika ay katulad ng “iPhone sa gulong” na “kumokolekta ng mga data ng Amerika at ipinapadala pabalik sa Beijing.”

 


Inuudyok ni Raimondo ang lipunang Amerikano na magalit sa mga electric vehicle (EV) ng Tsina, kapwa para sa ekonomiyang kadahilanan at mga layuning pampulitika.

 

Tinukoy ng ilang tagapag-analisa na ang 2024 ay ang taon ng halalan sa Amerika. Naglabas ng mga hakbangin ang White House para sugpuin ang industriya ng EV ng Tsina, at ang pagmamalabis ni Raimondo ng “banta” sa mga sasakyang Tsino, ay para tugunan ang kahilingan ng industriya ng sasakyang Amerikano, at makakuha ng mas maraming boto.

 

Gayunpaman, uso ngayon ang globalisasyon ng ekonomiya. Ang “decoupling” ay makakasira sa kapakanan ng mga mamimiling Amerikano, at kakayahang kompetetibo ng mga industriya ng Amerika.

 

Noong nakaraan, umunlad ang Amerika sa pamamagitan ng malayang kalakalan at kompetisyon sa merkado. Pero ngayon, naging kabaligtaran na ito. Sa likod nito ay ang maling kaisipan ng hegemonismo ng ilang Amerikano na natatakot sa normal na kompetesyon ng merkado.

 

Ang pangmamaliit sa iba ay hindi magpapalakas sa iyo. Sa halip ng pagkakalat ng pekeng impormasyon, kailangang tumpak na palakasin ng Amerika ang kakayahang kompetetibo ng industriya ng sasakyan nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil