Tsina, may di-mapapabulaanang soberanya sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao

2024-03-06 16:42:20  CMG
Share with:

Kaugnay ng paninindigan ng Tsina sa isyu ng South China Sea, ipinagdiinan Miyerkules, Marso 6, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Ren’ai Jiao ay isang bahagi ng Nansha Qundao ng Tsina.

 

Saad ni Mao, may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao na kinabibilangan ng Ren’ai Jiao at nakapaligid na rehiyong pandagat.

 

Ito aniya ay nabuo at natiyak sa mahabang prosesong historikal, at umaangkop sa pandaigdigang batas na kinabibilangan ng Karta ng United Nations (UN).

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio