Tsina sa Timog Korea: huwag sundin ang ibang panig sa pagpapalaki ng isyu ng South China Sea

2024-03-13 16:09:12  CMG
Share with:

Kaugnay ng pananalita kamakailan ng panig Timog Koreano hinggil sa pagkabangga ng mga bapor ng Tsina sa Pilipinas sa South China Sea (SCS), hinimok Martes, Marso 12, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Timog Koreano na gawin ang tumpak na pagpili, at huwag sundin ang ibang panig sa pagpapalaki ng pangyayaring ito, para maiwasan ang pagdaragdag ng di-kinakailangang pasanin sa relasyong Sino-Timog Koreano.

 

Saad ni Wang, inilahad na ng Tsina ang kalagayan at solemnang paninindigan hinggil sa ilegal at walang pahintulot na pagpasok ng bapor ng Pilipinas sa Ren’ai Jiao nitong Marso 5.

 

Muling ipinagdiinan niyang ang sanhi ng nasabing pangyayari ay paglabag ng panig Pilipino sa sariling pangako, at paglapastangan sa soberanya ng teritoryo at karapata’t kapakanang pandagat ng Tsina.

 

Batay sa batas, isinagawa ng panig Tsino ang mga katugong hakbangin, at ang mga ginawa nito ay propesyonal, mapagtimpi, at makatuwiran, dagdag ni Wang.

 

Aniya, may ganap na pananagutan dito ang panig Pilipino.

 

Saad ni Wang, ang Timog Korea ay walang kinalamang panig sa isyu ng SCS, pero nitong nakalipas na ilang taon, binago nito ang maingat at walang-kinakampihang paninindigan, at paulit-ulit na ipinahiwatig o binatikos ang Tsina sa isyung ito.

 

Napapanahong iniharap na ng panig Tsino ang mga representasyon, at inihayag ang pagtutol, ani Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil