Mga impormasyon kaugnay ng taunang pulong ng Boao Forum for Asia, inilahad

2024-03-27 15:29:58  CMG
Share with:

Sinimulang idaos, Marso 26, 2024 sa Boao, lalawigang Hainan ng Tsina, ang taunang pulong ng Boao Forum for Asia (BFA).

 


Sa preskon nang araw ring iyon, isinalaysay ni Li Baodong, Pangkalahatang Kalihim ng BFA, na ang tema ng kasalukuyang taunang pulong ay “Asya at Daigdig: Komong Hamon, Pinagbabahaginang Responsibilidad.”

 

Malalimang aanalisahin sa mga porum ng BFA ang mga hamon at pagkakataong kinakaharap ng Asya at daigdig, at tatalakayin ang mga komong kapakanan at pinagbabahaginang responsibilidad sa proseso ng pag-unlad ng mundo.

 

Halos 2,000 kinatawan mula sa mahigit 60 bansa’t rehiyon at mahigit 1,100 mamamahayag mula sa halos 40 bansa’t rehiyon ang sasali sa nasabing 4-araw na taunang pulong.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil