Sinabi, Marso 26, 2024 sa social media ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na minanipula ng media ng Pilipinas ang video na kinuha sa South China Sea (SCS), para ilarawan ang Pilipinas bilang biktima.
Inihayag Miyerkules ng Foreign Correspondents Association ng Pilipinas ang mariing kawalang kasiyahan dito.
Ipinagdiinan nitong independiyente ang mga media ng Pilipinas, at hindi ito kinokontrol ng pamahalaan.
Kaugnay nito, inihayag Huwebes ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang matatag na pagtutol sa kaukulang pahayag kung saan nagpilipit sa katotohanan at bumaligtad sa tama at mali.
Tinanong ni Lin na sino ang paulit-ulit na naglulunsad ng probokasyon at panggugulo sa isyu ng SCS? Sino ang lumalabag sa komong palagay ng magkabilang panig at sariling pangako? Sino ang umiimbento ng maigting na atmospera? Sino ang nakikisabwatan sa puwersang labas ng rehiyon para makialam sa isyung ito?
Dagdag niya, ipinadala ng Pilipinas ang maraming mamamahayag sa bawat aksyong ito, at ilan sa kanila ay mula sa ika-3 bansa, ano ang pakay nito?
Diin niya, ang pagkokober ng katotohanan ay tungkulin at responsibilidad ng mga mamamahayag.
Umaasa aniya siyang igigiit ng mga kaukulang organisasyon at mamamahayag ang obdyektibong paninindigan, at komprehensibo’t wastong ikokober ang katotohanan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil