Panig militar ng Tsina: Matatag na ipagtanggol ang pambansang soberanya, teritoryo at karapatang pandagat sa SCS

2024-03-29 15:02:16  CMG
Share with:

Kaugnay ng mga pananalita at aksyon kamakailan ng Amerika at Pilipinas hinggil sa isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag Huwebes, Marso 28, 2024 ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang isyu sa SCS ay sa pagitan ng Tsina at Pilipinas, at paulit-ulit na ipinaliwanag ng panig Tsino ang solemnang paninindigan dito.


Aniya, ang paninindigang ito ay matatag na pagtutol sa pakikialam ng dayuhang puwersa, pagtutol sa panghihimasok at probokasyon, paggigiit ng maayos na paghawak sa mga alitan, at kasabay nito, paghahanda sa anumang sandali para matugunan ang lahat ng mga biglaang pangyayari at matatag na ipagtanggol ang pambansang soberanya, teritoryo at karapatang pandagat.


Tinukoy ni Wu na ang pakikialam ng panig Amerikano ay pinakapangunahing dahilan ng pagiging maligalig ng kalagayan ng SCS.


Ani Wu, nagbulag-bulagan ang Amerika sa mga katotohanan, naghasik sa komprontasyon sa rehiyong ito, nagpapataw ng presyur sa Tsina sa pangangaturiwan ng bilateral na kasunduan ng Amerika at Pilipinas, nagpadala ng bapor na pandigma sa SCS para makapinsala sa katatagan at kapayapaan ng rehiyon.


Kaugnay nito, sinabi ni Wu na malinaw ang paninindigang Tsino, na walang kapangyarihan ang Amerika sa pakikialam sa isyu ng SCS at ang kooperasyong militar ng Amerika at Pilipinas ay hindi kayang makapinsala sa soberanya, teritoryo at karapatang pandagat ng Tsina.


Idiniin ni Wu na ang probokasyon ng Pilipinas ay direktang dahilan ng paglalala ng kalagayan ng SCS.


Saad pa niya na dahil sa pagsuporta ng mga dayuhang puwersa, lumabag ang Pilipinas sa pandaigdigang batas at diwa ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), madalas na nagsasagawa ng panghihimasok at probokasyon sa dagat at nagpalabas ng pekeng impormasyon para iligaw ang pandaigdigang opinyon sa isyung ito.


Masasabing ang aksyon ng Pilipinas ay sustenableng nakatahak sa maling landas, dagdag ni Wu.


Idiniin din ni Wu na hinding hindi pahihintulutan ng panig Tsino ang mga mapusok na kilos ng Pilipinas at gagamitin ang makatwiran, malakas at mapagtimping katugong aksyon sa panig Pilipino.


Saad ni Wu na dapat mabatid ng Pilipinas na ang gastusin ng probokasyon ay mas mahal kaysa sa halaga ng kita ng probokasyon at hindi mapaniniwalaan ang mga dayuhang puwersa.


Ipinahayag din ni Wu na matatag at determinado ang paninindigan at mga aksyon ng Tsina, kahit anuman ang mangyayari.


Saad pa niyang may lubos na estratehikong kapasiyahan ang panig Tsino sa paglutas sa isyu ng SCS.


Inulit ni Wu na palagiang nagsisikap ang panig Tsino, kasama ng mga may kinalamang panig, para maayos na kontrolin at hawakan ang mga alitang pandagat sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.


Kasabay nito, matatag na pinangangalagaan ang sariling soberanya, teritoryo at karapatang pandagat, dagdag ni Wu.


Saad pa niya na naniniwala ang panig Tsino na sa pamamagitan ng magkasamang pagsisikap ng mga bansa sa rehiyong ito, magiging matatag at mahinahon ang kalagayan ng SCS sa bandng huli.


Ito aniya ay tunguhin ng panahon na hindi kayang mapigilan.


Salin: Ernest

Pulio: Ramil