CMG Komentaryo: Paghimok sa Hapon na sumali sa AUKUS, malaking kamalian

2024-04-11 15:08:10  CMG
Share with:

Inanunsyo kamakailan ng Amerika, Britanya at Australia ang paghimok sa Hapon na umanib sa “AUKUS,” kanilang trilateral security partnership.

 

Ito ang kauna-unahang pagkakataong isinapubliko ng tatlong bansa ang bagong katuwang, sapul nang buuin ang AUKUS noong Setyembre 2021.

 

Bilang reaksyon, inihayag ng panig opisyal ng Hapon ang pagkilala sa kahalagahan ng AUKUS.

 

Pero binatikos ng maraming Hapones ang pagpapalawak ng mga kasapi ng AUKUS.

 

Nababahala anila ang iba’t-ibang sirkulo ng bansa na pasisidhiin nito ang komprontasyon at panganib ng proliperasyong nuklear, at makakasira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong Asya-Pasipiko.

 

Makaraang sumapi ang Hapon sa grupong may esensyang militar, tiyak na magsisilbi itong ahedres ng estratehiyang panlabas ng Amerika.

 

Dahil dito, malaking mababawasan ang papel ng Hapon kung nais nitong maging tulay ng ugnayang diplomatiko sa pagitan ng Amerika at iba’t-ibang panig sa hinaharap.

 

Dagdag pa riyan, kahit sa tingin ng Hapon na mahalaga ito sa Europa at Amerika, kailangan nitong tandaan na ang Amerika, Britanya at Australia ay pawang mga bansang Anglo-Saxon, at bilang isang bansang silanganin, ang Hapon ay laging tagalabas para sa kanila.

 

Ito rin ay nangangahulugang mailalagay sa prontera at mapanganib na siwutasyon ang Hapon sa paglaban sa Tsina.

 

Tulad ng pagbatikos ni Pangulong Ranil Wickremesinghe ng Sri Lanka, ang nasabing estratehikong kamalian ay magbibigay daan sa ostilong pagkakawatak-watak ng Asya.

 

Hayagan ding kinondena ng mga lider ng Indonesia at Malaysia ang pagsira ng AUKUS sa katatagang panrehiyon.

 

Kung sasapi ang Hapon, sasaklaw ang AUKUS sa Hilagang-silangang Asya, at magbubunsod ng mas maraming negatibong epekto sa rehiyon.

 

Ang nasabing alyansang militar na lipos ng kaisipan ng Cold War ay di-angkop sa seguridad at kapakanan ng rehiyon, at taliwas din sa proseso ng integrasyon ng Asya-Pasipiko, kaya’t sa mula’t sapul ay di-kinakailangan ang presensya nito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio