Pagsunod ng Pilipinas sa pangako at pagbalik sa tumpak na landas ng pagresolba sa alitan sa pamamagitan ng negosasyon, inaasahan ng Tsina

2024-04-11 20:48:38  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pananalita kamakalawa ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. hinggil sa isyu ng South China Sea, inihayag, Abril 11, ng tagapagsalita ng Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas na laging naninindigan ang Tsina sa mapayapang pagresolba sa mga alitang teritoryal, sa pamamagitan ng negosasyon, at maayos na kontrolin ang mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo, bago resolbahin ang mga alitang teritoryal.

 

Anang tagapagsalita, nitong nakalipas na ilang taon, aktibong hinahanap ng Tsina, kasama ng mga nakaraan at kasalukuyang administrasyon ng Pilipinas, ang pragmatikong pamamaraan, upang mabisang pangasiwaan ang situwasyon ng Ren’ai Jiao habang hindi nakakapinsala sa sarili nilang posisyong prinsipal.

 

Aniya, salamat sa mga unawaan at kasunduang narating ng kapuwa panig, nanatiling mapayapa at matatag ang situwasyon ng Ren’ai Jiao nitong nakalipas na ilang taon.

 

Pero sanhi naman ng di-pagsunod sa mga narating na unawaan at kasunduan, paulit-ulit na nagaganap ang mga alitan sa Ren’ai Jiao, dagdag niya.

 

Umaasa aniya ang panig Tsino na susundin ng panig Pilipino ang sariling pangako at mga komong palagay ng kapuwa panig, at babalik sa lalong madaling panahon sa tumpak na landas ng maayos na pagkontrol sa situwasyon, sa pamamagitan ng diyalogo’t negosasyon.

 

Sa isang panayam Abril 10, 2024, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na hindi niya alam ang umano’y “kasunduan ng maginoo” o “gentleman’s agreement” kaugnay ng isyu ng Ren’ai Jiao sa pagitan ng Tsina at Pilipinas.

 

Nakakagulat aniya ang ideyang yumukod ang Pilipinas sa teritoryo, soberanya at mga karapatan sa soberanya, sa pamamagitan ng isang lihim na kasunduan.

 

Dagdag niya, kung itatakda ng nasabing kasunduan na kailangang humingi ng permiso sa ibang bansa ang Pilipinas para maglayag sa sariling teritoryo, posibleng mahirap na sundin ang ganitong kasunduan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil