CMG Komentaryo: May Day holiday ay popular, ekonomiya ng Tsina, bumubuti

2024-05-07 16:27:15  CMG
Share with:

Ayon sa opisyal na datos na inilabas ng Tsina, sa panahon ng May Day holiday ngayon taon, umabot sa 295 milyon person-time ang biyahe ng domestikong turista sa Tsina, isang taon-sa-taon na paglaki ng 7.6%, at umabot naman sa 166.89 bilyong yuan ang kabuuang gastos ng mga domestikong turista, isang taon-sa-taon na paglaki ng 12.7%.

 

Bukod dito, kasabay ng pagbabalik ng mga airline route, pagpapatupad ng mga hakbangin sa pagpapadali ng pagpasok sa bansa at pagdami ng mga bansang may mutual visa exemption, mabilis na nanunumbalik ang inbound at outbound tourism ng Tsina.

 

Sa simula ng ngayong taon, naglabas ang Tsina ng isang serye ng mga polisiya ng pagpapasulong ng konsumpsyon. Pinapakita sa pinakahuling datos ng unang kwarter, na ang konsumpsyon ay nagbigay-ambag ng 73.7% sa paglago ng ekonomiya ng Tsina.

 

Mahalagang bintana ang ekonomiya ng bakasyon para obserbahan ang ekonomiya ng Tsina. Pinapakita ng maraming data na ang konsumpsyon ng katatapos na May Day holiday ay lumampas sa inaasahang pagtaya at nagpapakita ng malaking potensyal at kasiglahan ng ekonomiya ng Tsina.

 

Kamakailan, sunud-sunod na itinaas ng internasyonal na institusyon ang kanilang pagtaya sa paglago ng ekonomiya ng Tsina.

 

Tulad ng sinabi ni Kristalina Georgieva, Managing Director ng International Monetary Fund, “ang Tsina ay patuloy na magiging mahalagang kontributor sa paglaki ng pandaigdigang ekonomiya.”

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil