Tinapos kamakailan ng Tsina ang maiden sea trials ng Fujian, ikatlong aircraft carrier ng bansa.
Sinabi ng ilang media na ang maiden sea trials ng Fujian ay tinapos sa panahon ng “Balikatan 2024” ng Amerika at Pilipinas, kaya ito ay isang senyales ng Tsina sa iba’t ibang panig sa South China Sea na nagpapakita ng kahandaan ng Tsina para sa labanan.
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 17, 2024, ni Zhang Xiaogang, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang pagdebelop at pagawa ng Tsina ng aircraft carrier ay kinakailangan para sa pangangalaga ng soberanya, seguridad at kapakanan ng pag-unlad ng bansa.
Ani Zhang, iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at matatag na nananagan sa polisiyang pangdepensa na ang hangad ay sariling pagtatanggol.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil