Sa kanyang liham na pambati Huwebes, Mayo 23, 2024 para sa China-GCC Countries Forum on Industrial and Investment Cooperation, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na matagal na ang mapagkaibigang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Gulf Cooperation Council (GCC).
Aniya, ang pagpapalalim ng kooperasyon ng Tsina at mga bansa ng GCC sa larangan ng industriya at pamumuhunan ay makakatulong sa pagpapalakas ng sinerhiya ng Belt and Road Initiative (BRI) at mga estratehiya’t adhikaing pangkaunlaran ng GCC, pagpapatingkad ng bentahe ng pagkokomplimentuhan, magkasamang pagpapaunlad ng makabagong lakas-panulak, at pagpapasulong sa kasaganaan at kaunlaran ng magkabilang panig.
Kasama ng mga bansa ng GCC, nais palakasin ng Tsina ang pagkakaisa, kooperasyon, at likhain ang makabagong kabanata ng relasyong Sino-GCC.
Binuksan nang araw ring iyon sa lunsod Xiamen, lalawigang Fujian, dakong timog ng Tsina ang nasabing porum.
Salin: Vera
Pulido: Rhio