Pinto ng pakikipagdiyalogo at pakikipag-ugnayan ng Tsina sa Pilipinas, bukas

2024-05-29 19:45:57  CMG
Share with:

Kaugnay ng mga regulasyon hinggil sa mga prosedyur ng administratibong pagpapatupad ng batas ng mga ahensya ng coast guard ng Tsina, inihayag, Mayo 29, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang mga regulasyong ito ay naglalayong istandardisahin ang mga prosedyur ng administratibong pagpapatupad ng batas ng mga ahensya ng coast guard, upang mas mainam na ipagtanggol ang kaayusang pandagat, at ito ay unibersal na praktika sa daigdig.

 

Kung walang ilegal na aksyon ang anumang indibiduwal at entidad, di-kailangang mabahala rito, dagdag niya.


 


Diin ni Mao, ang panig Pilipino ay siyang nagpapasidhi ng kalagayan sa South China Sea, at madalas na naglulunsad ng probakasyon, sa halip ng panig Tsino.

 

Aniya, nananatiling bukas ang pinto ng pakikipagdiyalogo at pakikipag-ugnayan ng Tsina sa Pilipinas, pero masusing masusi ang pagkakaroon ng katapatan sa diyalogo at pagpapatupad ng mga bunga ng diyalogo.

 

Sa halip ng walang humpay na gumawa ng probokasyon at manggulo, habang nagsasalita ng pangangailangan ng diyalogo, ani Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil