Upang itaguyod ang pagpapalitan ng kultura at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, palalimin ang pang-unawa sa kultura ng dalawang bansa, at isulong ang pagbabahagi ng resources at kooperatibong pag-unlad ng mga industriya ng pelikula ng dalawang bansa sa Fujian at Pilipinas,, nagdaos ang Fujian Film Bureau ng isang eksibit ng mga pelikula na pinamagatang “Fujian·ASEAN Film Culture Week - Philippine Stop” sa Newport Mall, saLungsod ng Pasay, mula Mayo 28 hanggang 30.
Ayon kay Raul Lambino, Tagapangulo ng Association for Philippines-China Understanding (APCU), layunin ng eksibit na ito na maglahad ng mga kapana-panabik na storya tungkol sa Lalawigan ng Fujian, Tsina, sa pamamagitan ng mga pelikula at palakasin ang pundasyon para sa pagbuo ng ugnayang tao-sa-tao.
Dagdag niya, ang 2024 ay taon bilang “ASEAN - China Year of People-to-People Exchanges” na nagsisilbing katalista para sa pagpapalaganap ng mga palitan, pagkatuto sa isa't isa, at kooperatibong pag-unlad sa iba't ibang aspeto ng ugnayang ASEAN-China.
Raul Lambino, Tagapangulo ng Association for Philippines-China Understanding (APCU)
Isang paghahanda rin aniya ang aktibidad para sa gaganaping anibersaryo sa Hunyo 9 ng pagkakatatag ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina noong 1975, kasama ang seremonya ng paggawad ng taunang Awards for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) sa Hunyo 7.
Kabilang sa mga pelikulang ipinalabas sa eksibit ng pelikula ay ang mga pelikulang Fujian tulad ng "Love on Gallery Bridge,” “Monkey King: Hero Is Back,” "The Procurator,” “The Queen of Drama,” “On Call" at "Jade Bead Necklace.”
Ang nasabing event ay inorganisa sa ilalim ng patnubay ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas at ng Publicity Department ng CPC Fujian Provincial Committee, na pinangasiwaan ng Fujian Film Bureau, Association for Philippines-China Understanding, at ng Thai-ASEAN+6 Business Promotion Association, inorganisa ng Publicity Department ng CPC Jimei District Committee sa Xiamen, ASEAN Culture & Economic Exchange Center, at ng Philippine Straits Travel Agency, at pinagtulungan ng Chinatown TV, Xiamen Chamber of Commerce sa Pilipinas, at Fujian Association for the Promotion of Friendly Exchanges With Foreign Countries.
Ulat: Mark Fetalco
Patnugot: Jade
Extravaganza ng Timogsilangang Asya, idinaos sa Shanghai: kulturang ASEAN, itinanghal
ASEAN Media Partners "China Up Close" Hainan Tour, sinimulan
(Video) Makulay na kultura ng Li sa Hainan, hindi nalalayo sa ilang katutubong Pilipino
Pilipinas, muling iginiit ang suporta sa prinsipyong isang-Tsina: MOFA, nagpahayag ng paghanga