MOFA: Ang dagat ay hindi dapat maging arena ng pandaigdigang pulitika

2024-06-05 14:39:14  CMG
Share with:

 

Minarkahan ng taong 2024 ang ika-30 anibersaryo ng pagsasakatuparan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

 

Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw Hunyo 5, 2024 ni Miao Deyu, Asistente ng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagsasakatuparan ng UNCLOS ay dapat maging tapat alinsunod sa prinsipyo, layunin at probisyon nito, at ang dagat ay tulay at koneksyon ng pagpapalagayan ng iba’t ibang bansa at hindi dapat maging arena ng pandaigdigang pulitika.

 

Ani Miao, tinututulan ng panig Tsino ang double standard na ginagamit ng ilang bansa sa mga pandaigdigang batas na gaya ng UNCLOS at inaabuso ng ilang di-kasaping bansa ang paggamit nito para ideklera ang mga limitasyon sa outer continental shelf na lubhang nakapinsala sa kaayusang pandagat ng daigdig.

 

Diin niya, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng iba’t ibang panig para mahigpit na sundin ang layunin ng UNCLOS, isagawa ang tunay na multilateralismo, ganap na suportahan ang pagtutupad ng tungkulin ng UNCLOS para ipagkaloob ang mas maraming pandagat na produksyong pampubliko at sama-samang itatag ang mapayapa at tahimik na kaayusang pandagat tungo sa panalu-nalong situwasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil