6 patay at 6 sugat sa pamamaril sa gawing silangan ng Croatia

2024-07-24 17:00:17  CMG
Share with:

Isang insidente ng pamamaril ang naganap Hulyo 22, 2024, sa isang nursing home sa bayang Daruvar sa dakong silangan ng Croatia na ikinamatay ng 6 na katao at ikinasugat ng 6 na iba pa.

 

Ayon sa ulat, inaresto na ng pulisya ang salarin at naglunsad ng imbestigasyon para malaman ang motibo at dahilan ng insidente.

 

Matapos ang insidente ng pamamaril, magkahiwalay na naglabas ng pahayag sina Presidente Zoran Milanovic at Punong Ministro Andrej Plenkovic ng Croatia, na mariing kinokondena ang naturang insidente, at nakiramay sa mga pamilya ng mga biktima at sugatan.


Salin: Mamei Yuena

Pulido: Ramil