Xi Jinping, nakipagpulong kay Pangulong Hage Geingob ng Namibia

2024-09-06 17:04:15  CMG
Share with:


Nakipagpulong Setyembre 5, 2024, sa Great Hall of the People, Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Hage Geingob, Pangulo ng Namibia.

 

Si Geingob ay nasa Tsina para dumalo sa 2024 Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC).

 

Sa panahon ng pagpupulong, nilagdaan ng Tsina at Namibia ang ilang bilateral na kasunduan sa mga larangan tulad ng pagluluwas ng karne ng tupa at kambing sa Tsina at kooperasyong pangkaunlaran.


Salin: Wang Lezheng


Pulido: Ramil